PatrolPH

Higit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa driver sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2021 02:40 PM

Tinatayang nasa higit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation sa Davao City nitong Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si alyas "Brad," isang 37 anyos na driver na nahuli sa operasyon sa Barangay Bunawan.

Tinanggap umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap ng buyer kapalit ng malaking pakete ng hinihinalang shabu.

Nasa 3 pakete ang nakuha sa suspek na may bigat na 130 gramo, ayon sa pulisya.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.