PatrolPH

Mga dumayo sa Quiapo Church, nag-alay ng dasal para sa mga yumao

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2021 07:51 AM | Updated as of Oct 31 2021 08:03 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA - Dahil sarado ang mga sementeryo, marami ang nagpunta ngayong Linggo sa mga simbahan, kabilang ang Quiapo Church sa Maynila, para magdasal para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Bawal pumasok sa Quiapo Church sa pamamagitan ng entrada sa Plaza Miranda. Ang entrance ng simbahan sa kasalukuyan ay sa Carriedo.

Ginawang parking lot ng motorsiklo at daanan ng mga tao ang bahagi ng Quezon Blvd. sa tabi ng Plaza Miranda.

Marami rin ang mga nagtitinda sa sidewalk. Isa sa mabenta ngayong araw ay ang kandila, na ginagamit ng marami sa pagdarasal para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Inaasahang darami pa ang mga magsisimba ngayong araw para ipagdasal ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya nanawagan ang simbahan na sumunod pa rin sa health protocol.

Tuloy pa rin ang online mass habang limitado ang pinapayagang pumasok sa mga simbahan dahil sa pandemya.

Ipinasara ang mga sementeryo mula Okt. 29 hanggang Nob. 3 upang maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao na maaaring pagmulan ng hawahan ng COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.