Rollback sa petrolyo sasalubong sa Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2020 05:12 PM

Nilalagyan ng gasolina ang isang kotse. Reuters/File

MAYNILA - Magkakaroon ng ika-2 sunod na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa pagpasok ng Nobyembre, ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang bawas sa presyo ng petrolyo:
• Kerosene → P0.70 - P0.80/litro 
• Diesel → P0.80 - P0.90/litro 
• Gasolina → P0.90 - P1/litro

Maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang magiging rollback sa presyo ng kerosene. 

Samantala nasa P0.80 hanggang P0.90 ang nagbabadyang bawas-presyo sa diesel. 

Ang gasolina posibleng may P0.90 hanggang P1 rollback sa kada litrong presyo nito. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News