Mga kumot, kulambo kailangan ng mga nasalanta ng lindol sa Mindanao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kumot, kulambo kailangan ng mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

Mga kumot, kulambo kailangan ng mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Nangangailangan ng ilang kagamitan ang mga residente sa ilang parte ng Davao Region at Soccksargen sa gitna ng mga lindol na nangyari sa Mindanao sa nakalipas na buwan, ayon sa ilang residente.

Nangangailangan pa ng tulong ang mga residente sa Kidapawan, M’Lang, Bansalan, sa Cotabato at Digos sa Davao Del Sur gaya ng mga kumot, kulambo at trapal.

Kasabay ito ng pagbuhos ng malakas na ulan at ang paninirahan ng mga residente sa mga tent at evacuation centers.

Kabilang sa mga naninirahan sa mga tent si Jeisel Uyangurin, na nawalan ng bahay sa lindol.

ADVERTISEMENT

Pinahina kasi ito ng mga pagyanig na tumama sa Tulunan, Cotabato at tuluyang bumigay sa lindol noong Martes.

Ayon kay Uyangurin, nangangailangan sila ngayon ng mga kagamitan sa bahay lalo't gumuho ang ilang bahay.

"Kailangan ng lahat ng mga tao dito mga kagamitan sa bahay,
kasi lahat dito wala nang matitirahan.

Natatakot din si Claudine Orbeta, at mga kabarangay niya sa barangay Magbok dahil sa muling pagyanig nitong umaga ng Huwebes.

"Kung magpapaalam lang na dumaan ang lindol sa amin hindi na talaga, magmamakaawa ako na wag na po. Hirap po talaga. Inaawaan ko ang mga bata," ani Orbeta.

Sinabayan pa ng matinding pag-ulan ang lindol, kaya nangangamba ngayon ang ilang residente para sa kanilang kalusugan.

Dahil dito, naghatid ng bigas at mga de lata sa 1,000 pamilya sa bayan ng Tulunan at mainit na pagkain sa 3,000 residente sa Makilala, Cotabato bilang pantawid sa mga susunod na araw. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.