Lalaki patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:23 AM | Updated as of Feb 12 2020 02:31 PM

(UPDATE) Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa tapat ng isang supermarket sa Caloocan City noong gabi ng Martes, sabi ng pulisya.

Nangyari ang insidente bandang 11:20 ng gabi sa tapat ng Super 8 Supermarket sa Barangay 176, Bagong Silang, ayon sa ulat na inilabas ngayong Miyerkoles ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ikinuwento umano ng guwardiya ng supermarket sa mga pulis na nagte-text sa harap ng establisimyento ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng gray na motorsiklo.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.