Sunog sumiklab sa residential area sa Sta. Mesa

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2018 06:46 PM | Updated as of Oct 31 2018 08:38 PM

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Mesa, Maynila nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy 4:38 ng hapon at umakyat sa ikatlong alarma.

Tuluyan itong naapula 5:52 ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon, unang sumiklab ang apoy sa isang dalawang palapag na paupahan hanggang sa tuluyang kumalat sa mga katabing bahay.

Inaalam pa kung magkano ang danyos ng sunog. --Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.