3 patay, 1 kritikal sa aksidente ng motorsiklo sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2017 10:33 AM

MANILA - Patay ang 3 tao matapos masalpok ng isang motorsiklo ang ilang pedestrian sa Macalelom, Quezon, Lunes ng gabi. 

Ayon sa mga pulis, sa madilim na bahagi ng Bondoc Peninsula Highway nabangga ng motorsiklo ni Madardo Valdez, 21, ang mga naglalakad na sina Junjun Tan at Jerry Pereyra.

Tumilapon si Valdez at kanyang 17-anyos na backrider na si Lolito Quintano. 

Kritikal ang lagay ni Quintano habang idineklarang dead on arrival sa ospital si Valdez at mga pedestrian. 

Galing sa inuman ang 2 nakamotorsiklo nang mangyari ang aksidente, ayon sa Macalelom police. 

Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.