2 sa 6 na pumuga sa Laguna Provincial Jail tiklo

Albert Lumbera, ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2017 04:11 PM | Updated as of Nov 01 2017 02:02 AM

Arestado Martes ng umaga ang dalawa sa anim na presong nakatakas mula sa Laguna Provincial Jail sa bayan ng Sta. Cruz.

Nahuli ng pulis sina Rhande Vale at Rhomel Macaraeg habang naglalakad sa Imus, Cavite.

Ayon sa mga pugante, hindi sila kabilang sa mismong grupo na sumalakay sa kulungan noong Linggo, Oktubre 29, kung saan tinutukan ng mga bilanggo ang mga jail guards ng baril.

Bigla na lamang daw silang lumabas ng gate ng compound dahil hindi nila alam ang kanilang gagawin.

Naibalik na sa Laguna Provincial Jail sina Vale at Macaraeg kung saan mahaharap sila ng panibagong kaso kaugnay sa pagtakas.

Patuloy pa rin ang pagtugis ng awtoridad sa apat pang bilanggo. Kinilala sila na si Verjust Dizon, Rio Mahilom, Rayman Raymundo, at Teddy Bucal na na sangkot sa iba't ibang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.