Drug courier timbog sa Oplan Sita sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 08:30 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki nang mahulihan siya ng hinihinalang shabu sa Tala, Caloocan.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis nang makakita sila ng traysikel na walang body number.

Hinarang nila ang drayber nito at hiningan siya ng lisensiya at registration papers pero nang wala siyang maipresenta, dito siya nakuhanan pa ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon, hawak ng Caloocan PNP ang 28 anyos na suspek. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.