3 tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 08:03 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Balik-kulungan ang isang lalaki habang timbog naman ang 2 sa kaniyang kasamahan sa buy-bust operation sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ng Fairview PNP, target ng perasyon ang 21 anyos na suspek na si alyas John na nakulong na rin noong nakaraang taon dahil din sa pagdodroga.

Ibinebenta umano ng suspek ang mga droga sa Batasan Hills at Fairview. Huli rin sa operasyon ang 2 lalaki na pawang parokyano ng suspek.

Sa kabuuan, nakuha sa kanila ang mahigit 1 kilo ng hinihinalang marijuana na may street value na P229,000.

Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.