TINGNAN: Sasakyan nahulog sa bangin sa Benguet; 3 patay

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 04:52 PM

Nagkayupi-yupi ang sasakyan nang mahulog sa bangin kung saan tatlo ang namatay. Larawan mula kay Alejandro Caoili Becad

Tatlo ang nasawi habang isa ang sugatan matapos mahulog sa 300-metrong lalim na bangin ang isang Toyota Tamaraw FX sa Boko-Kabayan Road sa Benguet, Miyerkoles ng hapon.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima.

Sa report ng mga pulis, galing umano ang mga biktima sa bayan ng Buguias at pauwi na sana ng Nueva Vizcaya nang mangyari ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.