Sinas: Mga pulis sa Metro Manila, bawal mag-cellphone habang naka-duty

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 10:13 PM

Pinaalalahanan ni acting National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas ang mga pulis na bawal ang paggamit ng cellphone at pagbababad sa social media habang naka-duty.

Sa pagharap ni Sinas sa 3,000 bagong promote na mga pulis mula Metro Manila, iginiit niyang dapat maging tutok ang mga ito sa trabaho.

Ayon naman kay Sinas, naniniwala din siyang kaunti na lang ang mga pasaway na pulis sa Metro Manila.

Sakaling may pulis na gagawa umano ng kalokohan, sinabi ni Sinas na hindi niya ito ipatatapon sa Mindanao.

Sa halip ay mananatili raw ito sa Metro Manila para mapabilis ang imbestigasyon at agad maparusahan.

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.