Opisyal ng LTFRB-Bicol, 13 iba pa sinibak dahil sa katiwalian

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 11:01 AM

MAYNILA - Sinibak ang isang opisyal at 13 empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB)-Bicol dahil umano sa katiwalian.

Ayon sa LTFRB, nadismiss sa serbisyo noong Hulyo 31 si Gerard del Rio, officer ng Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO)-Bicol, kasama ang 13 empleyado dahil sa grave misconduct.

Tumanggap umano ang mga ito ng pera para mapabilis ang pagproseso at bigyan ng Certificate of Public Convenience (CPC) ang public utility vehicle operators sa Catanduanes at Masbate. 

Suspendido naman si RFRO-Bicol Director Vladimir Kahulugan, at mga empleyadong sina Andres Tabunda at Arnel Sabello dahil umano sa korupsyon.

Nahaharap si Kahulugan sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the public habang ang 2 empleyado ay sinampahan ng kasong falsification of documents.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.