3 pulis huli sa buy-bust operation sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 05:55 PM

Tatlong pulis ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa bayan ng Parang, Maguindanao nitong umaga ng Miyerkoles.

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa operasyon sina Patrolman Sandiali Magundacan Manalao, Police Staff Segeant Fahmi Bangon Como, at Police Executive Master Sergeant Monjel Nassal Aradais.

Kasalukuyang nakatalaga sina Manalao at Como sa Marantao Police Station habang si Aradais ang deputy police chief ng istasyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu, 4 firearms, isang long firearm, at assorted IDs. -- Ulat ni Lerio Bompat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.