15 tiklo sa mga drug den sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 05:08 AM

CAVITE—Arestado ang 15 katao nang lusubin ng mga pulis ang 2 hinihinalang drug den sa Bacoor City, Cavite.

Sa Barangay Mabolo II, 6 ang nahuli kabilang ang target ng buy-bust operation na si Oliver Angeles, 43 anyos.

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police Station, dinadayo ng mga taga-ibang lungsod ang umano'y drug den na nasa dulo ng creek.

Sa follow-up operation sa Barangay Molino III, 9 ang nahuli kabilang ang target na si Cyreli Kuan, 44 anyos.

Dati nang nakulong si Kuan, pero aminado siyang nagbenta ulit ng droga dahil wala siyang mapasukang trabaho.

Nasabat sa mga suspek ang nasa P62,000 halaga ng hinihinalang shabu at marijuana.

Nakasuhan na ang 8 lalaki at 7 babaeng suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.