Truck, tumagilid sa hanging dala ng bagyong Rosita

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 03:04 PM

Pinagtutulungang itayo muli ang truck na tumagilid dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyong Rosita sa Ilocos Sur. Ria Galiste, ABS-CBN News

Isang truck ang tumagilid sa tulay dahil sa malakas na hanging dulot ng bagyong Rosita sa pagitan ng mga bayan ng Santa at Bantay sa Ilocos Sur, Martes ng hapon.

Nagdulot ng trapiko sa Quirino Bridge ang naaksidenteng truck na pinagtutulungan na ngayong itayo.

Wala namang naiulat na nasugatan sa aksidente.

Nakataas pa rin ang Storm Signal No. 3 sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan posibleng tamaan ng higit sa 121 hanggang 170 kilometers per hour na hangin ang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.