Number coding scheme, suspendido mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 03:43 PM

Sinuspende ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme nang ilang araw kasabay ng paggunita sa panahon ng Undas.

Walang number coding mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5, ayon sa MMDA.

Sa ilalim ng number coding scheme, bawal sa kalsada ang ilang sasakyan depende sa huling numero sa kanilang license plate.

-- May ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.