Malacañang sa namayapang si Rico J. Puno: 'Isa siyang alamat'

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 03:11 PM | Updated as of Oct 30 2018 03:12 PM

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng musikerong si Rico J. Puno na pumanaw Martes ng madaling araw sa edad na 65. 

Ayon sa anak ng musikero na si Tosca Camille Puno-Ramos, namatay ang kaniyang ama dahil sa cardiac arrest.

Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang naiambag ni Puno sa music industry.

Tinawag rin siya ni Panelo na isang “legend” sa industriya ng original Pinoy music (OPM).

"We express our condolences to the legend that is Rico J. Puno. He has contributed a lot in the music industry," ani Panelo. 

Personal na kaibigan rin aniya si Puno, kuwento ni Panelo.

Sa press briefing sa Malacañang, inalala pa ni Panelo ang duet nila ni Puno apat na taon na ang nakararaan. 

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.