Mag-ina nalunod sa resort sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 07:12 PM

HINIGARAN, Negros Occidental – Patay ang isang 27 anyos na ina at ang kaniyang 5-taong gulang na anak na babae matapos silang malunod sa isang resort sa Barangay Miranda sa nasabing bayan.

Dumalo sa pagtitipon sa resort ang mag-ina para sa kaarawan ng isang kamag-anak, Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, alas-3 ng hapon nang maligo sa beach ang mag-ina. Nakita na lamang ng iba nilang kasamahan na humihingi na ng tulong ang ina.

Nadala pa sa ospital sa bayan ang mag-ina pero binawian rin sila ng buhay. 

Kasalukuyang naka-heightened alert ang lahat ng rescue units sa probinsiya dahil sa Undas at long weekend kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pupunta sa resorts, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.