Lalaki natagpuang patay sa motel sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 07:50 PM


MANILA - Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang motel dito sa lungsod, Martes.

Ayon sa mga empleyado ng motel sa kahabaan ng Rizal Avenue, natagpuan ang lalaki na walang buhay sa ibabaw ng isang kama sa ika-6 na palapag ng gusali.

Nakita na may ilang pasa sa mukha at dugo sa ilong ang lalaking 'di pa natutukoy ang pagkakakilanlan, sabi ng mga imbestigador mula sa Manila Police District.

Nawawala rin umano ang wallet ng biktima, ayon sa awtoridad.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.