Hindi pinaboran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na huwag ipatupad ang aprubadong fare hike sa mga bus at jeep.
Ito ay kasunod ng paghain ng motion for reconsideration ng isang commuter kontra sa mga nasabing dagdag-pasahe.
"The motion failed to present new issues for the Board to reconsider its earlier findings," ayon sa mosyon.
"It is apparent that the issues raised therein had already been passed upon by the Board in resolving the instant Petition for fare increase," dagdag nito.
Sinabi ni Arlis Acao sa kaniyang apela noong Oktubre 23 na mas marami umano ang nakukuhang pera ng mga drayber sa mga minimum wage earner sa pagpapasada kaysa sa mga commuter.
Nitong Oktubre, inaprubahan ng LTFRB ang P10 na minimum fare sa mga jeep at ang P1 na fare hike para sa mga bus.
Aarangkada ang fare hike sa Nobyembre.
-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.