Ginang, 4 anak patay sa sunog sa Iligan City

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 02:06 PM | Updated as of Dec 16 2019 12:48 PM

Watch more in iWantTFC

Nilamon ng sunog ang ilang bahay sa Barangay Maria Cristina, Iligan City, Martes. Video mula kay Abby Deoquino 

ILIGAN CITY - Patay ang isang ginang at kaniyang 4 na anak makaraang masunog ang 4 na bahay sa lungsod na ito, Martes ng madaling-araw. 

Hinihinalang nagsimula ang nasa 1-oras na sunog sa bahay ng biktimang si Elizabeth Baricuatro sa Barangay Maria Cristina. 

Watch more in iWantTFC

Natagpuang patay ang ginang at kaniyang mga anak sa banyo ng kanilang tirahan. 

Nagtamo naman ng first at second degree burns ang 3 pang residente. 
 
Nawalan ng tahanan ang 17 pamilya o nasa 50 katao dahil sa sunog. 

Inaalam pa ang sanhi ng insidenteng nag-iwan ng nasa P250,000 halaga ng structural damage. 

Ulat nina Angelo Andrade at Maricel Butardo, ABS-CBN News

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.