Hindi lahat ng pamilya ay may pinansiyal na kapasidad upang maipalibing ang namayapang kaanak, lalo't patuloy na lumolobo ang gastusin para sa maaayos na pagproseso sa mga ito.
Pero ayon sa isang abogado, mandato ng lokal na pamahalaan ang magpalibing sa mga bangkay lalo kung wala nang lumalapit upang i-claim ito sa morgue o sa funeral homes.
"Halimbawa, hindi kilala 'yung bangkay at walang lumalapit o come forward bilang next of kin, ang sasagot dapat ng pagpapalibing ay 'yung siyudad," ayon kay Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" nitong Lunes.
Maaaring basehan dito ang Section 91 ng "Code on Sanitation" o Presidential Decree No. 856, dahil nakapipinsala sa kapaligiran ang hindi pagpapalibing ng bangkay, lalo na kung nabubulok na umano ito.
Maaaring himlayan ang mga pampulikong sementeryo o mass graves, na alinsunod sa sanitation code.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Usapang de Campanilla, DZMM, batas, Sanitation Code of the Philippines,