ALAMIN: Repair works ng Manila Water mula Nobyembre hanggang Enero 2019

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 05:06 PM

Nag-abiso ang Manila Water ng kanilang gagawing mga pagkukumpuni sa Metro Manila, partikular sa Quezon City, Pasig, Mandaluyong, at Taguig simula Nobyembre 5, 2018 hanggang Enero 15, 2019. 

Sa isang pahayag, sinabi nilang magtatagal ito nang ilang oras kada araw pero may ilan na kukumpunihin nang magdamagan. 

Narito ang mga apektadong kalsada: 

 MULA ALAS-10 NG GABI HANGGANG ALAS-4 NG MADALING-ARAW: 

  • C-5 Road Libis, QC to Bagong Ilog Pasig, J. Vargas Ave
  • Sandoval Ave. Pasig 
  • St. Francis Street, Mandaluyong 
  • Bayani Road, Taguig (A. Luna to Diego Silang), C5 Bound 
  • Barangay. East and West Kamias
  • Pasong Tamo Extension near Mead Johnson/MJ Plaza 
  • Tandang Sora Ave.

 MULA ALAS-7 NG UMAGA HANGGANG ALAS-6 NG GABI

  •  Lands Street, Mines Street, Forestry Street, Soil Street, DENR Street, Plant Industry Street, Road 10, Road 8, at Fisheries Street sa Quezon City
  •  Maginhawa Street, Barangay Teacher’s Village, Quezon City
  •  Barangay UP Village, Quezon City

 MULA ALAS-8 NG UMAGA HANGGANG ALAS-5 NG HAPON

  • Matiwasay Street, Mahinhin Street, Malamig Street, Mayumi Street, bahagi ng Kalayaan Avenue, at Matalino Street sa Barangay Teacher's Village, Quezon City 
  • Obrero Street, Bagumbayan, Quezon City 
  • Sgt. Pascua, Bagong Ilog, Pasig City 
  • Barangay Amihan, Quezon City 
  • Luzon Ave. – Congressional Avenue
  •  AFP – EP Housing, Taguig 
  •  Nueve de Pebrero Street, Barangay Mauway, Mandaluyong 

 
 BUONG ARAW 

  • MRT Ave. Extension (mula MLQ Ave. hanggang C6 Road), Taguig City 
  • C5 Tunnel hanggang Cuasay Road, Taguig 
  • C. Raymundo Avenue, Pasig - 24 hours o mula 10pm to 4am depende sa kondisiyon ng trapik. 

Patuloy rin ang isasagawang leak repair mula ala-1 ng madaling araw ng Huwebes (Nobyembre 1) hanggang alas-4 ng madaling araw ng Linggo (Nobyembre 4) sa pinakaloob na daan at gitnang bahagi ng EDSA Southbound Service Road corner Shaw Boulevard.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.