Pulis patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2017 10:06 AM | Updated as of Oct 30 2017 03:46 PM

HAMTIC, Antique - Patay ang isang pulis habang sugatan ang 3 iba sa salpukan ng 2 motorsiklo sa national highway ng bayang ito, Linggo.

Ayon sa mga pulis, biglang pumihit ang motorcycle rider na si Juarry Tadeo, dahilan para mabangga niya ang motorsiklo ni PO1 Jonathan Manzano na nasa kabilang lane.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Manzano. Nagtamo naman ng minor injuries si Tadeo at 2 angkas niyang anak.

Mahaharap si Tadeo sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries. Ulat ni Bea Carcillar Zaragosa

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.