15-anyos patay, 8 sugatan sa pananambang sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2017 03:14 PM | Updated as of Oct 30 2017 09:11 PM

KIBLAWAN, Davao del Sur - Patay ang isang 15-anyos na lalaki habang sugatan ang 8 iba matapos tambangan ng mga armadong lalaki ang isang truck sa bayang ito, Linggo ng gabi. 

Galing sa Damsu Festival sa Kiblawan at pauwi na sana sa Barangay Kimlawis ang mga biktima nang bigla silang paputukan ng mga suspek, ayon sa ilang nakaligtas. 

Tumagal anila ng halos 30 minuto ang pamamaril ng mga gunman sa madilim na bahagi ng kalsada. 

Nakilala ang nasawi bilang si Jimboy Linkanay, isang estudyante. 

Dinala naman sa Davao Del Sur Provincial Hospital at Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang mga nasugatan. 

Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.