1 patay sa salpukan ng kotse, trailer sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2017 09:16 AM

MANILA - Isa ang kumpirmadong patay matapos magbanggaan ang isang sasakyan at trailer truck sa Maharlika Highway diversion road sa Lucena, Quezon, Lunes.

Sa lakas ng salpukan, halos mayupi ang buong kotse, dahilan para agad mamatay ang hindi pa napapangalanang driver nito.

Dahil sa aksidente, halos 1 oras natengga ang mga sasakyan sa magkabilang lane patungong Maynila at Bikol.

Hindi pa natatanggal ang mga naaksidenteng sasakyan, alas-8:30 ng umaga. Ulat ni Ronilo Dagos

DZMM, Oktubre 30 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.