PatrolPH

Higit 50 babae na dawit sa prostitusyon nasagip ng NBI

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2021 08:54 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Higit 50 na kababaihan ang ni-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa prostitusyon.

Unang pinasok ng NBI anti-human trafficking division ang isang bar sa Pasay City kung saan 48 babae umano ang biktima ng prostitusyon. 

May nadatnan pa ang NBI na mga aplikante para mamasukan bilang sex worker. 
    
Inaresto at kinasuhan ang manager ng bar.

Sa isa namang motel sa Maynila, agad ni-rescue ang 3 babae matapos umanong ibugaw online. 
    
Single mother ang 3 at tinanggap umano ang alok ng bugaw dahil wala silang mahanap na trabaho ngayong pandemya. 

Ayon sa NBI, halos pare-pareho ang sitwasyon ng mga biktima na nangangailangang suportahan ang pamilya. 

Pansamantala munang dinala sa Department of Social Welfare and Development ang mga biktima. 
    
Makakauwi rin sila matapos sumailalim sa counseling. 

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.