Presyo ng isda, ilang gulay sa Tandang Sora Market sumirit dahil sa nagdaang bagyo

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2020 04:00 PM | Updated as of Oct 29 2020 04:01 PM

Namimili ang isang babae sa Tandang Sora Market sa Quezon City. Screengrab

MAYNILA - Hirap umanong magbenta ang ilang vendor sa Tandang Sora Market sa Quezon City, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kakaunting bilang ng mga namimili. 

Epekto anila ito ng mga nagdaang bagyo. "Halos dumoble" ang presyo ng kanilang mga bilihin. 

Presyo ng mga gulay 

  • Talong →P80/kilo (dati: P40/kilo) 
  • Ampalaya →P100/kilo (dati: P60/kilo) 
  • Sibuyas →P200/kilo (dati: P100/kilo) 
  • Luya →P150/kilo (dati: P80/kilo) 
  • Pechay →P15/Tali (dati: P10/tali) 
  • Broccoli →P250/kilo (dati: P150/kilo) 
  • Cauliflower →P150/kilo (dati: P120/kilo)
  • Bell Pepper (Red) →P260/kilo (dati: P150/kilo)
  • Kamatis → P130/kilo (dati: P80/kilo)
Watch more in iWantTFC

Tumaas din ang presyo ng mga isda gaya ng galunggong, tilapia, tulingan, dalangang bukid, at bangus. 

Presyo ng mga isda 

  • Galunggong→ P200-P220 (dati: P160-P180/kilo) 
  • Tilapia (Batangas) →P160 (dati: P140/kilo) 
  • Tulingan→ P220 (dati: P180/kilo)
  • Dalagang bukid →P280 (dati: P260kilo) 
  • Bangus→ P180 (dati: P160/kilo) 

Nananatiling mataas ang presyo ng karneng baboy na nasa P330 kada kilo, habang ang manok, nasa P140 hanggang P150 kada kilo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.