Vendor patay sa pamamaril sa loob ng mall sa Caloocan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 10:33 PM | Updated as of Oct 30 2019 07:20 PM

MAYNILA - Patay ang isang 35 anyos na vendor matapos barilin sa loob ng isang mall sa Caloocan City nitong Martes.

Ayon kay Caloocan City Police chief Noel Flores, bandang alas-7 ng gabi nang maganap ang pamamaril kung saan dead on the spot ang biktimang si Ronnie Litaban.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa loob ng mall sa Camarin Road corner Zabarte Road, Barangay 175, Caloocan City naganap ang krimen. 

Isang alyas "James Fajardo" ang suspek. Tumakas ito matapos ang krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen at follow-up operation para maaresto ang suspek.