P1-M halaga ng beauty products na walang FDA permit nakumpiska

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 04:32 PM | Updated as of Oct 29 2019 08:41 PM

Nasa P1 milyong halaga ng beauty products ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos malamang walang permit ang mga ito mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Kasama sa higit 20 produktong nakumpiska ng NBI Special Action Unit ang mga peeler, pampaputi, anti-aging products, at glutathione soap.

Watch more in iWant or TFC.tv

Wala ring detalye ang packaging ng ilang produkto gaya ng expiration at kung kailan ginawa.

Ikinasa ng NBI ang pagsalakay sa pagawaan sa bisa ng search warrant.

Tumangging magbigay ng panayam ang mga tauhan ng kompanya pero inamin nilang wala silang FDA permit.

Hindi rin maayos ang paghawak ng mga kemikal at kalinisan sa pagawaan, ani Kristine Dela Cruz, executive officer ng NBI Special Action Unit.

Kakasuhan ang may-ari ng kompanya ng paglabag sa Food and Drug Administration Act.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.