Mga mahuhuling nagtitinda sa Manila North Cemetery ikukulong

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 03:43 PM | Updated as of Oct 29 2019 09:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Aarestuhin ng mga awtoridad at ikukulong ang sino mang mahuhuling nagtitinda sa Manila North Cemetery sa Undas, ayon sa isang officer ng Manila Police District (MPD).

Bahagi ito ng mahigpit na pagpapatupad ng "no vendors policy" ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Manila North Cemetery, ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, commander ng MPD Station 3.

Ang MPD Station 3 ang katuwang ng pamunuan ng Manila North Cemetery sa pagpapanatili ng kaayusan ng sementeryo.

Nasa 500 pulis ang ipakakalat ng MPD sa loob at labas ng Manila North Cemetery para matiyak ang seguridad ng publiko, na inaasahang dadagsa simula Huwebes hanggang Sabado.

Muli ring pinaalala ni Magdaluyo na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng alak, matutulis na bagay, sigarilyo, at card games sa sementeryo.

Kukumpiskahin aniya ang mga ito sa entrance ng sementeryo.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.