Binatilyo patay sa sunog sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 04:27 PM | Updated as of Sep 30 2019 02:10 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang 13 anyos na lalaki nang maipit sa nasusunog nilang bahay sa Carcer sa Quiapo, Lunes ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Alexander Leonel. Natagpuan ang sunog nitong katawan malapit sa pintuan. 

Aabot sa 15 barong-barong ang naabo sa sunog na nagsimula bandang alas-12:47 ng tanghali.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Mary Moral at mabilis kumalat sa mga katabing bahay.

Tinatayang 45 pamilya ang nasunugan at aabot naman sa P50,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.--ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.