Bangkay ng lalaking binalot ng plastik ang mukha, natagpuan sa Batangas

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 02:22 AM

BALETE, Batangas - Isang bangkay ang natagpuan sa bayang ito Sabado ng umaga.

Walang pang-itaas na damit at binalot ng plastic at duct tape ang mukha ng nasabing lalaki.

Ayon sa pulisya, may mga pasa, sugat sa tagiliran at tama ng bala sa dibdib ang biktima.

Walang nakitang maaring pagkakilanlan ang biktima na tinatayang nasa 40 hanggang 50 taong gulang. Nakasuot ito ng maong na shorts.

Nananawagan ang pulisya sa kung sino man ang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa nangyaring krimen.

Patuloy rin ang koordinasyon ng Balete police sa iba pang himpilan ng pulisya sa lalawigan para makilala ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.