PatrolPH

2 lolang 'nagtangkang manuhol' ng mga pulis, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 01:54 PM | Updated as of Oct 29 2018 09:11 PM

Naaresto noong gabi ng Linggo ang dalawang lola dahil sa umano ay tangkang panunuhol sa mga pulis kapalit ng paglaya ng kanilang mga apong nahuli sa operasyon kontra droga.

Nasa P20,000 umano ang inalok ng mga lola sa mga pulis ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Station 2 sa Tondo, Maynila, ani Senior Inspector Anthony Co, chief of operation ng istasyon.

Watch more on iWantTFC

Gusto raw kasing tubusin ng mga lola ang kanilang mga menor de edad na apo, na kabilang sa anim na nahuli sa buy-bust operation sa isang drug den sa Tondo noong Sabado.

Matapos abutin ng isa sa mga lola ang pera, agad namang pinosasan ng mga pulis ng istasyon ang dalawa.

Itinanggi naman ng dalawa ang mga paratang.

Nahaharap ang dalawa sa kasong bribery at corruption of public officials.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.