102-anyos na lolo, patay nang magulungan ng pison

Melanie Severino, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 09:41 PM

HAGONOY, Davao del Sur - Patay ang isang 102 anyos na lalaki matapos magulungan ng pison sa national highway sa bayang ito Lunes.

Kinilala ang biktima na si Jose Embudo. 

Nagpapahinga sa harap ng roller ng pison si Embudo nang mangyari ang insidente.

Hindi namalayan ng operator ng heavy equipment na si Billy Domingo Fontanilla na may tao sa harapan ng pison. 

Pinaandar nito ang pison para simulan sana ang road construction.

Ayon sa Provincial Director ng Davao del Sur Police na si Senior Superintendent Alan Manibog, sumuko agad sa Matanao Municipal Police Station si Fontanilla na nagtatrabaho para sa Sebastian Construction.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Fontanilla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.