‘Tikbalang,’ ‘engkanto,’ iba pang aswang, tampok sa parada sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 12:13 AM

Bago dumalaw sa puntod ng kanilang mga yumao, umakyat muna sa Baguio City ang ilan para doon mag-weekend.

Treat naman sa kanila ang halloween parade na pinagbibidahan ng mga karakter sa Pinoy folklore gaya ng tikbalang, kapre, mangkukulam at engkanto.

Ramdam din ang halloween vibe sa Pampanga.

Pati mga tsikiting sa syudad ng San Fernando, nagbihis aswang at may nag-ala Panday at Darna pa.

Presyuhan sa Dangwa

Samantala, ilang araw bago sumapit ang Undas, may ilan nang namimili ng bulaklak at kandila para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa kanila, ngayon ang pinakamagandang panahon para mamili.

Sa Dangwa, tumaas na ng P10 ang presyo ng mga bulaklak.

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa:

  • Potted Mums - P250
  • Local Roses - P250
  • Radus - P150/bundle
  • Orchids - P450/bundle
  • Sunlight - P230/bundle

At kung arranged flowers na ang bibilhin, maaari itong pumalo sa P250 hanggang P1,000 depende sa laki. 

Mas mura pa rin daw ito kaysa bumili sa bisperas ng Undas.

May mga namimili na rin ng kandila, pero para sa candle vendor na si Ellen, pareho pa rin ang kaniyang presyo ngayon hanggang sa mismong araw ng Undas.

--Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.