P450-K nalimas mula sa fast food sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 09:55 AM | Updated as of Oct 29 2017 10:43 AM

MANILA - Natangay ng 5 kawatan ang P450,000 na kinita ng isang fast food branch sa Congressional Avenue Extension, Quezon City, Sabado ng gabi.

Kuwento ng empleyadong si Carl Bagante, magsasara na sana sila nang pumasok ang 3 armadong lalaki na nagdeklara ng holdup habang nagsisilbing lookout ang 2 pang lalaki.

Ayon kay PO3 Elmo Caboboy ng Quezon City Police District Station 3, nakuha rin aniya ng mga suspek ang kagamitan ng mga empleyado, kabilang ang cellphone, wallet at bag.

Tumakas ang mga kawatang naka-face mask sakay ng isang puting van.

Nakipagtulungan na ang fast food outlet para makuha ng mga imbestigador ang posibleng CCTV footage sa insidente, ayon kay Caboboy. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.