TFC News

Rishi Sunak, unang British-Indian Prime Minister ng UK

Joefer Tacardon | TFC News United Kingdom

Posted at Oct 28 2022 07:11 PM

LONDON - Pitong linggo lang tumagal sa 10 Downing Street si Prime Minister Liz Truss. Napilitan siyang magbitiw dahil sa gulo sa pulitika at paghina ng ekonomiya ng United Kingdom.

Si Truss ang naging shortest-serving prime minister at pinakahuling itinalagang head of goverment ng yumaong Queen Elizabeth II.

“From my time as Prime Minister, I am more convinced than ever that we need to be bold and confront the challenges that we face. As the Roman philosopher, Seneca wrote: “It is not because things are difficult that we do not dare. It is because we do not dare that they are difficult.” pahayag ni Liz Truss, nagbitiw na prime minister.

Charles III kasama si Sunak
Photo courtesy of Royal Family FB page

Matapos tanggapin ni King Charles III ang resignation ni Truss sa Buckingham Palace, sunod niyang itinalaga bilang ika-57 na prime minister ng UK ang British-Indian na si Rishi Sunak.

Umukit ng kasaysayan ang 42-taong gulang na multi-millionaire at dating banker na si Sunak bilang kauna-unahang ‘person of color’ at practicing Hindu na naging lider ng Conservative Party at Prime Minister. 

Sunak1
Photo courtesy of facebook.com/rishisunak

Sa kanyang unang talumpati, inihayag ni Sunak ang hangarin niyang pag-isahin ang bansa, at nangakong ibabalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa gobyerno.

“I will deliver on its promise, a stronger NHS, better schools, safer streets, control of our borders, protecting our environment. Supporting our armed forces, leveling up and building an economy that embraces the opportunities of Brexit, where businesses invest, innovate, and create jobs,” sabi ni Rishi Sunak, bagong prime minister ng United Kingdom.

Sunak in 10 Downing St.
Photo courtesy of facebook.com/rishisunak

Hangad ng mga taga-UK, kabilang na ang mga Pilipino, na matupad ng dating Chancellor ang kanyang mga plano.

“Siyempre nakaka-proud din malaman na siya ang first British Prime Minister of Asian descent. What we are yearning for is actually stability in this country, with leaders such as Rishi Sunak, nakita naman natin ang background niya in terms of governing, of economics,” sabi ni Junart Kim Nieva, healthcare assistant.

“He mentioned a stronger NHS that I wish would happen given the fact that a lot of Filipino nurses are in the English healthcare sector,” sabi ni AJ Mamaril, nurse.

Umaasa rin sila na makakabawi ang bansa na nasasadlak ngayon sa matinding krisis. Ayon sa datos ng Office for National Statistics, tumaas ng 17% ang presyo ng mga bilihin tulad ng pagkain, dahilan para mas lumala pa ang kahirapang nadarama ng karamihan.

“Now that the pound is very low, it’s a struggle. Nahihirapan po tayong lahat especially we are in the import business. So we are hoping for the best na maka-bounce back ang ating ekonomiya at maka-bounce back uli ang ating pounds,” sabi ni Christie Brown, negosyante.

Sunak in the streets
Photo courtesy of facebook.com/rishisunak

Pero kasabay ng pagbati ni Labour Party leader Keir Starmer kay Sunak ang maanghang na paratang niya na ang Conservative Party umano ang nagpabagsak sa ekonomiya ng UK sa kanilang labindalawang taong pamumuno.

Kaya patuloy ang panawagan ng Labour Party na magsagawa na ng general election sa lalong madaling panahon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC