PatrolPH

Bahagi ng Cagayan de Oro binaha dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2021 04:39 AM

Courtesy of Rodulfo Regalado and CDRRMO Oro Rescue
Courtesy of Rodulfo Regalado and CDRRMO Oro Rescue

Umabot sa national highway ang tubig baha sa Baloy, Barangay Tablon, Cagayan de Oro City Miyerkoles ng gabi.

Nahihirapan ang mga sasakyang makadaan dahil sa tubig baha. 

Ilang mga residente sa barangay ang lumikas muna dahil napasok na ng tubig baha ang kanilang bahay. 

Nakaranas ng malakas na ulan ang lungsod at mga karatig na lugar sa Bukidnon at Misamis Oriental. 

Ayon sa PAGASA nakataas ang yellow rainfall warning dahil sa "severe thunderstorms". — Ulat ni PJ dela Peña

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.