Higit P400,000 shabu, nasabat sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2020 05:25 AM

MAYNILA - Dalawang lalaki ang inaresto matapos sila mahulihan ng higit P400,000 na halaga ng shabu umano sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila nitong Martes.

Unang nahuli ang isang Filipino-Chinese sa buy-bust operation na ikinasa ng PDEA at MPD. Nagpanggap na bibili ng droga ang isang agent at nakipagkita sa suspek sa Chinatown Gold Center, Ongpin Street sa Sta. Cruz. 

Sa harap ng mga stall na nagtitinda ng mga alahas, nahuli ang suspek at nakuha sa kanya ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu. Aabot sa P340,000 ang halaga ng droga nakuha sa kaniya. 

Sa isa pang operasyon, nahuli ang top 9 drug personality ng Abad Santos Police Station na nasa watchlist at tinaguriang high value individual matapos magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Brgy. 61 sa Tondo. 

Nakumpiska sa suspek ang ilang medium at small sized na sachet ng hinihinalang shabu na higit P81,000 ang halaga. 

Nakakulong na ang mga suspek.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.