Bahay ng konsehal sa Sorsogon, sumiklab

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2020 04:44 AM

Watch more in iWantTFC
Kuha ni Val Bonete

Sumiklab ang isang bahay ng konsehal sa Brgy. Pangpang, Sorsogon City nitong Martes ng hapon.

Sa itaas na bahagi ng bahay ni Konsehal Nestor Baldon ang natupok, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay F03 Mharanee Salalac ng BFP-Sorsogon City, ang storage area ng 3rd floor ang nasunog na imbakan ng mga dokumento.

Electrical short circuit ang lumalabas na sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P9,000 ang total na pinsala ng sunog na naagapan nang kumalat pa sa ibang bahagi ng bahay.--Ulat ni Karren Canon
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.