2 kalaboso dahil sa higit P680,000 halaga ng shabu sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2020 05:43 AM

MAYNILA - Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos kumagat sa buy-bust operation sa Brgy. Tangos North, Navotas nitong Martes.

Batay sa paunang ulat ng Navotas PNP, isa sa mga suspek ay mangingisda na gumagamit umano ng droga habang wala namang trabaho ang isa pa sa mga suspek, na supplier umano ng droga.

Nakipagtransaksyon ang mga pulis para sa naturang kontrabando at nang magpositibo ang transaksyon, ay nakumpiska mula sa dalawang suspek ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga higit P680,000 ang halaga.

Kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa dalawang suspek.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.