Bata, mga magulang patay sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 12:37 PM | Updated as of Oct 28 2019 06:43 PM

MANILA — Patay ang isang 2 taong gulang na bata at kaniyang mga magulang matapos masunog ang isang hilera ng mga bahay at kainan sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Na-trap sa kanilang nagliliyab na bahay at nadaganan ng gumuhong ikalawang palapag ang noo'y mga natutulog na biktimang sina Jovilyn Ralla, 20, asawang si Arvie Delfinado, 24, at kanilang anak, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). 

Mabilis anilang kumalat ang sunog sa 4 pang istraktura dahil gawa ang mga ito sa light materials. 

Nasa 12 pamilya ang nawalan ng bahay at P50,000 ang kabuuang pinsala ng sunog. Inaalam pa kung saan nagsimula ang apoy.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.