3 sugatan sa karambola ng 7 sasakyan sa SLEX

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 05:00 PM | Updated as of Oct 28 2019 05:31 PM

Tatlong tao ang nasugatan makaraang magkarambola ang 7 sasakyan sa South Luzon Expressway (SLEX) na sakop ng Muntinlupa City nitong Lunes.

Nawalan umano ng preno ang isang oil tanker sa bahagi ng SLEX na sakop ng Susana Heights, Muntinlupa, dahilan para maararo nito ang 6 na sasakyan sa kaniyang unahan.

Kabilang sa mga nasugatan ang driver at pahinante ng tanker.

Nangyari ang aksidente bago mag-alas-12 ng tanghali.

Ayon sa driver ng tanker na si Edgardo Endaya, galing silang Cabuyao, Laguna at patungo sanang Bulacan para i-deliver ang kargang mantika nang mapansin niyang wala na silang preno.

Naitabi naman ng mga awtoridad ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente.

-- Ulat ni Roberto Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.