Dating pulis na iniuugnay sa criminal group arestado sa Batangas

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 06:23 PM

Photo courtesy of Batangas PNP

BATANGAS CITY - Matapos ang may 14 na taong pagtatago, nahuli na ang isang dating pulis na pinaniniwalaang may mga koneksiyon sa isang malaking criminal group sa sa Calabarzon.

Kinilala ang suspect na si PO2 Mark Anthony Bugayong na inaresto mismo sa kanyang bahay sa Barangay Libjo. Nakalista si Bugayong sa "wanted" list ng pulisya dahil sa ilang kaso.

Bukod sa kasong murder, sinampahan na rin ng malversation of public property ang suspek dahil sa service firearm na hindi niya isinauli nang biglaang hindi na mag-report sa opisina.

"Incidentally, isa siya sa dalawang PNP member ng isang malaking criminal gang in the entire region," ani Supt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City police.

Iitinanggi naman ni Bugayong ang mga paratang sa kanya pero ayon sa kanyang salaysay, nagsisilbi lamang siyang security escort ng isa sa mga lider ng grupo noon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.