Bilang ng mga kumuha ng UPCAT, 'pinakamarami ngayong 2018'

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 06:45 PM | Updated as of Sep 30 2019 02:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahigit 100,000 ang kumuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) ngayong taon.

Ito ang taong may pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng UPCAT, ayon sa pamunuan ng unibersidad.

Pero mula sa mahigit 100,000 examinees, 15,000 lang ang makapapasok sa UP.

"Of [15,000] mga 3,000 to 4,000 dito ay sa Diliman papasok kasi ang Diliman ang may pinakamaraming courses offered," ani Aurora Odette Mendoza, director ng UP System Office of the Admissions.

Isa sa mga nais makapasok sa UP ay si Raphael Luis Natividad, na magtatapos sa Claret School at nag-apply ng kursong Computer Science sa UP Diliman.

"Nakikita ko kasi na dito ko sa UP makukuha 'yung kurso na mape-pursue ko 'yung career na gusto ko," ani Natividad.

Ilang magulang naman ang nagbabakasakaling makapasok sa UP ang kanilang anak lalo't naipatupad na ang batas sa free tuition sa state universities at colleges.

Ilalabas ang online result ng UPCAT sa Marso sa susunod na taon.

Naunang itinakda ang UPCAT noong Setyembre 15 at 16 ngunit inurong ito sa Oktubre 27 at 28 dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.

—Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.