Bangkay ng dalagita, natagpuan sa palengke sa Cebu

Joworski Alipon, ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 09:41 PM

LILOAN, Cebu -- Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa dating palengke sa bayang ito Linggo.

Nakabulagta ang 14 taong gulang na biktima na may mga galos at pasa sa katawan.

Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa ba ang menor de edad na noong Sabado pa ng gabi nawawala.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, Sabado ng gabi nang maisipan nilang mag-disco at pumunta sa isang internet cafe.

Sandali nilang iniwan ang biktima sa internet shop pero wala na ito nang kanilang balikan.

Linggo na ng umaga nang madiskubre ang mga labi ng biktima.

Ayon kay SPO4 Marcelino Servilla, imbestigador ng Liloan Police Station, may mga saksi ang nakakita na nilapitan pa ang biktima ng isang grupo ng mga lalaki bago mangyari ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.