Presyo ng petrolyo, muling tataas

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 06:57 PM | Updated as of Jul 16 2019 01:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinatayang magkakaroon muli ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 naman ang sa diesel at kerosene. 

Tinatayang taas-presyo sa susunod na linggo

  • Gasolina - P0.30-P0.40/litro
  •  Diesel - P0.40-P0.50/litro
  •  Kerosene - P0.40-P0.50/litro

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong may oil price hike.

Mula Enero 1 hanggang ngayon, P1.75 na ang iminahal ng diesel habang piso naman sa gasolina dulot ng pagmahal ng imported na produkto.

Bukod pa ito sa oil price hike dahil sa excise tax sa petrolyo na aabot sa halos P3 hanggang lagpas P3 sa iba-ibang klase ng produktong petrolyo.

Iminahal ng petrolyo dahil sa excise tax

  • Gasolina - P2.97/litro 
  • Diesel/AutoLPG - P2.80/litro
  • Kerosene - P3.36/litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.