Lacson, dudang aaksiyunan ang akusasyon kina Drilon, Roxas ukol sa drug trade

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2017 10:30 PM | Updated as of Oct 29 2017 12:27 AM

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na posibleng hindi aksiyunan ng Senado ang akusasyong sangkot sa drug trade sa Negros sina Senador Franklin Drilon at dating Interior Secretary Mar Roxas. 

Base sa affidavit ni Ricky Serenio, umano’y runner ng napatay na drug lord na si Melvin Odicta, papalitan umano nina Roxas at Drilon ang grupong kumokontrol sa ilegal na droga sa Negros. 

Pero duda si Lacson sa testimonya ni Serenio at maaaksiyunan lang aniya ang reklamo kung may maghahain ng ethics complaint at may sapat na ebidensyang ibinigay sa kanila.

“Ako, di ako naniniwala and besides, iyong nagbigay ng testimony, rival drug dealer ng ano eh, si Odicta. How can you give credence sa testimony niya eh iyong kino-quote niya, patay na. He's not here anymore to confirm or deny,” ani Lacson.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.